𝗪𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚-𝗧𝗜𝗚𝗜𝗟 𝗡𝗔 𝗟𝗔𝗕𝗔𝗡𝗔𝗡! Bagamat hindi nakuha ang inaasam na kampeonato, buong giting na ipinamalas ng Balayan Secondary Volleyball Team ang kanilang husay at tapang upang masungkit ang First Runner-Up (2nd Place) sa katatapos pa lamang na Division Meet 2025!
Bilang defending champions, mas mabigat ang pressure na kanilang dinala, ngunit pinatunayan ng koponan na mayroon pa ring dumadaloy na pusong tigre sa kanilang mga ugat. Sa isang matindi at dikit na laban, ipinakita nila ang matatag na depensa at naglalagablab na opensa hanggang sa huling punto.
"Ipinagmamalaki namin kayo! Ang Puso ng Balayan, Patuloy na Lumalaban!"
🖼️: Andrei Ilagan Dela Cruz
📷: Andrei & Nicolo Abiad

No comments:
Post a Comment